Sabi nila “LIFE IS ALL ABOUT CHOICES!”
God lets you and I make our own choices in life. Once we make our choices, it either builds us or breaks us.
Kaya nga kung pipili lang naman tayo dapat doon tayo sa sigurado.
Sabi ng Panginoon, sa Kanya magkaroon tayo ng kapayapaan. Dahil dito sa mundo ayawanan man natin ang mga pagsubok ay talagang nariyan na iyan. Hindi na natin kayang babaguhin pa ang reyalidad ng mundo ngunit may natatanging pag-asa pa ng pagbabago na nanggaling lamang kay Cristo. Ang pagbabago na magsisimula sa ating mga sarili sa tulong ng ating pananampalataya sa Kanya. Tiyak dito may kaayusan tungo sa pagbabago hindi sa situasyon ng mundo kundi sa situasyon ng ating bawat puso at isipan.
Ang puso at isipan natin ang may problema kung hindi natin tatanggapin si Hesus sa buhay natin. Mananatili itong matigas at hindi magbabago. Ang kasalanan ay nananahan sa puso ng tao na pati ang ispan ay mababalot na rin ng kadiliman. At si Hesus lang ang may kapangyarihang linisin ang mga ito. Pananampalataya sa Kanyang mga salita kasama ang mainngay na pagsunod sa bawat katuruan na sa atin ay Kanyang iniwan ang tanging daan upang maipanalo natin itong uri ng laban. Laban sa ating sariling nakagisnan,nakasanayan at kaugalian na hindi naayon sa Kanyang kalooban.
Salita ng Diyos ay dapat masusing pag-aralan, bigyan ng sapat na panahon, huwag talikuran at huwag ring kalimutan. Kaligtasan ay pahalagahan dahil iyan po ay once and for all lamang. Isang regalo iyan ng ating Diyos Amang Makapangyarihan through Jesus Christ his One and Only Begotten Son. How blessed I am? How blessed are you? How blessed we are?
Ang hinihintay na lamang ng lahat ng mga mananampalataya sa Kanya ay ang kanyang muling pagbabalik sa katapusan ng mundo para dadalhin ang mga tapat at masunurin sa Diyos sa pangalan ng Panginoong Hesus.
Handa ka na ba?
Mga mahalagang pangyayari sa buhay ng tao.
1) Pagsilang- pinaghahandaan
2) Kaarawan- pinaghahandaan
3) Kamatayan- binabaliwala
-kung kailan patay na doon pa pinagpupuyatang ipagppray ang kanyang kaligtasan -ang taong hindi tumanggap ky Hesucristo kapag namatay sa mundo ang punta ay empyerno.
4) Pagbabalik ni Hesucristo- Araw ng paghahatol
- kadalasan kapag tinatanong ligtas kana ba bilang isang mananampalataya ni Cristo? Ang sagot di ako sigurado dahil nagkakamali parin ako.
Christ Believer's Assurance: Romans 10:9 New International Version
If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. Kaya ano pang hinihintay mo?
Pagpalain nawa ng Diyos ang bawat isa.
#John16:33 #Romans10:9 #LikeAndShare #salvation #eternallife #gospel

Comments
Post a Comment