Skip to main content

DEVOTIONAL: Sa Kanya Buhay Mo Ay May Bunga

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo. Roma 10:17

Kadalasan ang ating pananampalataya ay nahahati sa ibat-ibang uri. Ito ay nakadependi sa bawat relihiyon, tradisyon at kultura na nakagisnan natin.  Ang nakakalungkot dito ay ni walang isa sa mga ito ang magbibigay ng kasiguruhan sa buhay natin. Walang ng ngang pagkakaisa na naidudulot sa isat-isa, salungat pa sa katotohanan na dapat bigyan natin ng halaga. Ibat-ibang opinion ang ipinaglalaban, kasama pa ang mga pamahiin na kung ating siyasatin ay labag sa kalooban ng ating Amang Makapangyarihan. Ngunit ano ba ang katotohanan? Ang KATOTOHANAN ay tanging ang kalooban ng ating  Diyos Amang makapangyarihan.

Napakabuti ng kalooban ng Diyos sa atin dahil ang bawat isa ay binigyan ng pag-uunawa upang magamit sa kanyang mga salita. Ang ating ibat-ibang mga pananampalataya ay sa Kanyang salita ay mapapalitan ng Katotohanan at hindi na hakahaka. Hindi man lahat ay naniniwala sa Kanyang mga salita ngunit lahad at hayag dito ang kanyang kahalagahan tungo sa kabutihan ng pangkalahatan.Kung ito ay iyong pag-aaralan at kung ikaw ay may duda, at hahanap ka ng katunayan, buhay mo mismo ang ebidensya.

Datapwat ito ay hindi madaling usapin dahil pakinig mo ay kakailanganin. Kung hindi ka makinig ay talagang wala kang matutunan at wala ka ring matutuklasang napakahalagang bagay na magdadala sayo tungp sa tunay na tagumpay ng iyong buhay. Kaya kailangan mong makinig sa kanyang mga pangagaral dahil ito ang natatanging daan tungo sa napakamahalagang kaalaman na hindi mo matatagpuan sa sanlibutan. Katigasan ng puso ay dapat huwag ipaiiral dahil ang kanyang mga salita ay tunay na makapangyarihan at banal.Ito ay isang aklat ng buhay kung tawagin ay BIBLIYA. May napakaloob na 66 na aklat, mayroong luma at bagong tipan; 39 na aklat sa lumang tipan at 27 naman sa bagong tipan na may ibat-ibang akda ngunit iisa ang mensahe at salita. Dito mo makikilala kung sino ka at sino tayo at paano tayo nagsisimula. May kautusang kilalanin at mahalin ang Diyos Ama,magbalik loob sa Kanya at sundin ang kanyang mga salita ng may pananampalataya.

Alam kong naririnig mo na ito diba? Alam kong isa kang siguristang tao diba? Kaya hindi sapat kung ano lang ang iyong napakinggan ay hanggang doon ka na rin lang.Dahil kulang ang iyong napakinggan mula sa isang ordinaryong tao na may limitasyon ang kaalaman. Dapat kung gusto mo may matutunan personal mo itong pag-aralan. Bigyan mo ito ng sapat na panahon upang hindi ka mahalintulad sa isang taong  kumakin ng napakasarap na ulam,nang bigla itong naubusan, bitin ang kabusugan. Para maging sulit ang pakiramdam, ang puso at isipan mo ang kailangan at higit sa lahat personal na pagsisiyasat at pag-aaral.Dapat ring handa at bukas ka sa anumang katuruan na iyong matuklasan dahil ito ay salungat sa anumang ating mga naksanayan dito sa sanlibutan. Ito lang ang nag-iisang katuruan na magbibigay sa iyo ng kaalamang may kapangyarihan upang tuklasin ang hindi kaya tuklasin ng mga nagmagagaling at lalo na ng mga mayayabang. Dito rin ay may lubos na kalaayan sa lahat ng uri ng kasamaan. Dito ay puno ng pag-asa at pagmamahal na walang katumbas dahil ito ay hindi magbabago at hindi rin kukupas. Dito mo rin malalaman na walang mabuting tao sa sanlibutan dahil lahat ay makasalanan.Noon ang kapalit ng kasalanan ay kamatayan.Ano ngayong ang pwede nating ipagyayabang? Ngunit sa pagmamahal ng Diyos tayo ay nakaligtas dahil ipinadala Niya ang kanyang kaisa-isang Anak sa sanlibutan upang tayo ay tubusin mula sa kamatayan. 

Siya ay si Jesucristo isang banal at makapangyarihan. Sa kanya ang lahat ay nagkaroon muli ng pag-asa. Siya ang Tagapaligtas ng sanlibutan, at ang maniniwala at sumsampalataya sa kanyang pangalan ay may buhay na walang hangganan. Siya ay may tagasunod na siyang nagbabahagi nitong kanyang mga katuruan sa Bibliya.

Kaya mga kapatid,huwag na mag-alinlangan pa. Simulan mo na ang hanapin ang kanyang mga salita. Aralin ito ng buong puso na may pagpakumbaba dahil kagalakan ito ng ating Diyos Ama ang makikita kang hinhanap Siya.

Noon, isa rin ako sa manhid at nagbibingihan sa katotohanan, ngunit kay buti ng Diyos buhay ko ay Kanyang binago at inayos. Salita Niya'y malinaw na nagungusap at ako'y unti- unting naliwanagan at natagpuan ko ang Katotohan: 

Sa Kanya buhay mo ay laging tagumpay.

Sa Kanya buhay mo ay laging may pag-asa

Sa Kanya lahat ay panghabangbuhay.

Sa Kanya ang buhay ay dadami ang bunga.

Siya ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.

Sa Kanya walang mawawala  kung magtiwala ka, dahil sabi ng salita ng Diyos, sa Juan 3:16-18

16 Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.

18 Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos.

Dalangin ko sa ating bawat isa ay magkaroon tayo ng pag-kakaisa. Sa nag-iisang pananampalataya dapat tayo ay sama-samang gamitin ang ating napakinggan at natutunan upang ibahagi sa ating mga mahal na ka pamilya. 


 MEMORY VERSE: PAHAYAG 22:13  

13 Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.

Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: A TRUE CHRISTIAN FAMILY JOHN:13:1-17

EVIDENCE OF A TRUE CHRISTIAN FAMILY JOHN:13:1-17 ANCHOR VERSE John 13:12-14 12 When he had finished washing their feet, he put on his clothes and returned to his place. “Do you understand what I have done for you?” he asked them. 13 “You call me ‘Teacher’ and ‘Lord,’ and rightly so, for that is what I am. 14 Now that I, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also should wash one another’s feet.  TO WASH ONE ANOTHER’S FEET AS JESUS CHRIST COMMANDED TO HIS DISCPLES IS NOT WHAT WE   LITERALLY  THINK  BUT IT'S ALL ABOUT A SPIRITUAL CLEANSING . WHOEVER BELIEVES IN HIM ARE ALREADY CONSIDERED AS CLEAN AND ARE ALSO ENTRUSTED TO CLEAN THOSE UNCLEAN BY SHARING THE GOSPEL IN HIS NAME. ACROSTIC GUIDE: WASH W-WORD OF GOD   -The word of God has a divine cleansing power to purify us from uncleanliness through faith in Christ. -16 All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, 17 so that the servant ...

DEVOTIONAL: IMPORTANCE OF REPENTANCE

Repentance is important because it allows for forgiveness, spiritual growth, and a renewed relationship with our Heavenly Father. It is an act of turning away from sin and walk toward a path of a healthy spiritual life  which leads to freedom from guilt, healing, and a fresh start. It is often seen as a prerequisite for spiritual progress and salvation. It is also an  act of feeling remorse for all the past wrongdoing. Knowing also that in every mistake that we are going to commit in this present and in the future has a consequences(including the past). So it is called to repent and not to repeat. We have to choose wisely our path by changing our mindsets and behaviour by walking towards a better way of living   fixing our eyes to Jesus.   This involves acknowledging one's actions base not by human judgement but by what Christ Jesus teaching, and committing to a change in attitude and actions in the name of Christ Jesus. A key verse on repentance is 1 John 1...