“Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin." Juan 15:5
Mga kapatid ang tunay na kristiyano ay mananampalataya lamang ni Cristo. Wala ibang katuruan ang dapat pinagtutuonan ng pansin at sinusunod. Tayo ay may iisang Diyos Amang Tagapaglikha, iisang Panginoon na Tagapagligtas at iisang pananampalataya sa pangalan ni Hesucristo. Sa Kanya tayo ay nagakaroon ng gabay upang makilala siya ng lubos kahit hindi natin siya nakikita. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu tinutulungan tayo upang maintindihan at maunawaan ang katotohan. Sa mga pangangaral nito,iba-iba man ang sumulat ngunit iisa lang ang mensahe sa bawat tao, walang iba kundi ang tanggapin at isabuhay ang kalooban ng Diyos sa pangalan ni Hesucristo.
Sa pamamagitan ng gabay at kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa kanyang mga tagasunod naisulat ang kanyang mga pangagaral upang maiparating ang magandang balita sa bawat sulok ng mundo.Sila ang tunay na mga kauna-unahang mga kristyano o mananapalataya ni Cristo.
Ngunit sa kasalukuyan ang katotohang isinulat nila ay nababahiran na ng ibat-ibang katuruan base sa sariling motibo, interpritasyon at prinsipyo ng tao. Mga mahal na kapatid ang kaligtasan ng bawat isa ang pinag-uusapan dito. Kung ang isang tao ay umaasa lang rin sa kanyang kapwa tao ano ang maibubunga nito? Wala sigurado. Kaya kailangan ng bawat isa ang magsusumikap upang matamo ang ipinangako ni Cristo. Aralin ng maigi at sundin ang mga kalooban ng Diyos na itinuro sa atin ni Cristo. Kay Cristo buhay mo ay may pagbabago kung sa Kanya ikaw ay magtiwala at sumuko.Ito ang tunay na bunga ng pagtanggap ng tao kay Cristo, pagbabago mula sa isip at maging sa puso nito.
Mga kapatid kagalakan ng Ama ang aayusin at bigyan ng lubos na pag-asa ang buhay mo. Ngunit tanging kay Hesus lamang ito matatagpuan at mararanasan. Kailangan nating sumampalataya sa Kanya upang tayo ay magbunga ng masagana. Huwag sayangin ang bawat pagkakataon.Iligtas natin ang ating mga sarili mula sa mga bagay na magtutulak sa atin sa kapahamakan.Niligtas na tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Napakabuti ng Diyos sa atin at binigyan tayo ng Tagapagligtas,gabay at liwanag dito sa mundong punong-puno ng kadiliman. Kaya bigyan nating halaga ang kanyang mga salita upang ang buhay ay mamumunga. Si Hesus lang ang tanging puno at daluyan ng pag-asa upang tayo ay magkaroon ng bungang hindi nawawala at hindi nalalanta. Wala tayong magagawa kung hindi tayo mananampalataya sa Kanya.Buhay na walang katapusan ang ipinangako ng Diyos sa lahat ng sumasampalataya sa kanya.
Katulad ng mga kauna-unhang mananampalataya ni Cristo na inatasang ibahagi at ikalat ang magandang balita sa buong mundo, ganon din ito dapat sa bawat henerasyon.Misyon ni Cristo misyon ng bawat kristiyano.
Mapagpalang araw sa ating lahat!
Comments
Post a Comment