“Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos!Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”
Mark 1:9-15
9 Nang panahong iyon, dumating si Jesus mula sa Nazaret sa Galilea, at siya'y binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. 10 Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati. 11 Narinig niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
12 Pagkatapos, dinala agad ng Espiritu si Jesus sa ilang. 13 Nanatili siya roon nang apatnapung araw, at doo'y tinukso siya ni Satanas.Doon ay may mababangis na hayop ngunit si Jesus ay pinaglingkuran ng mga anghel.
14 Nang ibinilanggo si Juan, nagpunta si Jesus sa Galilea at ipinangaral doon ang Magandang Balitang mula sa Diyos. 15 Sinabi niya, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang Diyos!Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan. Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”
Makikita natin dito ang pagmamahal at kabutihan ng Diyos Ama para sa sanlibutan. Malinaw na katotohanan at gabay ang sa atin ay inihayag mula sa kanyang mga salita at katuruan.
1. Verse 11, ang hindi naniniwala na Si Jesus ay The Son of God sabi sa Bibliya sila ay ang mga Antikristo.
2. Verse 13, Sa ating pananampalataya kay Jesus talagang mayroong kalaban.Kaya dapat lagi tayong mag-iingat dahil inihalintulad ito na parang mga gutom na mga leon.Gagamitan ka niya ng mga bagay sa mundo pambitag sayo para ikaw ay magkasala sa Diyos.Ito ay hindi ordinaryong laban.
3. Verse 15, Upang maipanalo natin ito ng lubos dapat palaging nasa atin ang katotohanan.Kailangan una sa lahat ay malinis ang ating puso at isipan. Dapat muna nating pagsisihan ang lahat ng ating mga kasalanan at magtiwala sa mga salita ng Diyos na makapangyarihan.Dahil ito lamang ang tanging ating panangga sa bawat laban.
Repentance o pagsisi, ito ay ang taos-puso at personal na pagkakilanlan natin sa ating mga sarili na talagang tayo ay makasalanan. At ang tanging makakatulong lamang sa atin para tayo ay mapapatawad ay walang iba kundi ay ang ating pananampalataya sa Anak ng Diyos na ating Tagapagligtas na si Jesus.
At kailangan din nating kilalanin ang mga katuruan ng Panginoong Hesus kasabay ang pagtalikod sa mga dating gawi na nakasanayan at simulang mamumuhay base sa katuruan ng Diyos sa pangalan lamang ni Hesus.Sa ganitong paraan lamang mangyayari ang kanyang kalooban sa ating buhay na mabago ang ating mga puso.Pusong magbibigay kaluwalhatian sa ating Diyos Amang napakabuti at napakadakila.
Ito po yung "Magandang Balita" na sinasabi ni JESUS para sa ating lahat.Kung walang Hesus na tagapagligtas walang ng magandang balita sa mundo dahil ang bawat isa ay patay na sa kasalanan.Ngunit sa kanyang pagdating nagkaroon muli ng pag-asa at liwanag ang bawat isa.Tinubos niya tayo mula sa kamatayan gamit ang kanyang banal na dugo bilang panghugas sa ating napakaruming kasalanan.Sa kanyang pagkamatay sa krus ay kasama ring inilibing ang ating mga kasalanan.Sa kanyang muling pagkabuhay kasama rin tayong nabuhay. At hindi lang yan,dahil ang sinumang maniniwala sa katotohan ito ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.Kaya siya ay tinatawag na Tagapagligtas ng sanlibutan.
Sama-sama nating idadalangin ang bawat kapatiran na hipuin ng makapangyarihang Diyos ang kanilang mga puso upang tanggapin ang Katotohan, ang Magandang Balita,at nang magkaroon din sila ng Kaligtasan at Buhay na walang Hangganan.
Kailan pa ba dapat tayo magsisisi at magbago?
Kailan pa ba dapat tayo makinig sa mga turo ni Cristo?
Kailan pa ba dapat nating simulang mamumuhay na naayon sa Katotohanan?
Kung dumating na ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan? Mga kapatid tulong-tulong at sabay-sabay nating ibabahagi ang MANGANDANG BALITA.
Walang ibang tamang panahon para tanggapin na natin ang Panginoong Jesus sa puso natin kundi ngayon din, hindi bukas, hindi next time tulad ng ating nakagawian. Dumating na ang takdang oras para sa pagbabago.
Ang kasunod nito ay ang pagdating muli ni Jesus bilang HUKOM ng sanlibutan.Huwag nating sayangin ang panahon at pagkakataon.
MEMORY VERSE:Mark 1:15
15
Sinabi ni JESUS, “Dumating na ang takdang panahon. Malapit nang maghari ang
Diyos!Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan.
Paniwalaan ninyo ang Magandang Balita!”
.png)
Comments
Post a Comment