Skip to main content

DEVOTIONAL: KAPAG LAGI KANG TAKOT WALA KANG MAAABOT

Isa sa nakakaapekto sa paglago natin ay ang ating mga sariling desisyon  sa bawat plano at pinapangarap na maabot sa buhay balang araw. Ngunit kung mahina tayong magpasya na simulan ang mga bagay-bagay na alam naman natin na may ikabubuti ito para sa buhay, ay magiging drawing lamang ito na walang kulay. Ganyan ang realidad ng ating buhay dahil sa kakulangan ng gabay.

 


Sa bawat desisyon sa buhay minsan pa ay sa kapwa nakasalalay, dahil sa nakaugaliang baka ano ang sasabihin nila kung hindi ako magtatagumpay?”In short may takot ka dahil sa mga "WHAT IF" na iyong nakikita.

Kapag lagi kang takot tandaan mo, wala kang maabot. Kaya kailangang mawala ang takot natin sa buhay.Kailangan natin ng kaalaman at katutuhanan na siyang gabay sa anumang mga gagawin natin sa buhay. Tatanungin muna natin ng ating mga sarili, sa lahat ng mga bagay, maging ating buhay kanino ba dapat ito nakasalalay?Ng sa ganoong paraan tayo ay maliwanagan at magkaroon ng tamang daan at wala kang pagsisisihan.

What if itu-on natin ang ating pananalig sa Panginoon?At hindi sa sariling kakayahan,hindi rin sa kung ano ang sasabihin ng iba at mas lalong hindi itu-on ang sarili  sa mga bagay-bagay na hindi naman nakakatulong sa paglago ng buhay.

Kung mayroon man tayong katatakutan ay dapat nakatu-on sa WHAT IF na, kung hindi ko nagawa ang kalooban ng Panginoon, may tagumpay kaya akong hihintayin pagdating ng panahon?

Sa Diyos Ama laging kang tagumpay.Sa bawat hakbang ng iyong sisimulan  kung siya ang iyong kasa-kasama magiging panatag at may kasiguraduhan ka. Iyan ang kaibahan ng buhay na kasama ang presinsya ng Diyos Ama. Ang takot na pumupuno sa iyong puso at isipan ay mapapalitan ito ng gaan na magiging kalakasan mo na labanan ang bawat pagsubok na iyong mapagdadaanan.

Importante sa ating tagumpay ang tiwala sa Diyos. Kung sa sarili lang natin tayo huhugot ng kalakasan at kaalaman hanggan saan lamang tayo lalaban? Sa tuwing dadanas tayo ng hirap at pagsubok ang dali nating panghihinaan at kung nabibigo ay pagsuko naman agad ang laging kasunod na hakbang?

Huwag kang matatakot sa anumang dadanasing hirap at pagtiis sa buhay. Walang madaling paraan papunta sa tuktok ng tagumpay. Patuloy na magtiwa na may makapangyarihang Diyos sa atin ay palaging gumagabay at nagbabantay patungo sa tuktok ng mga pinapangarap mo sa buhay.Mananalig ka lang!

Sa bawat oras na ikaw ay nagdadalawang isip at nababagabag ay bilisan mong sa Kanya ay tumawag. Sa Kanya’y isusuko ang takot at idadalanging ikaw ay sasamahan at patuloy na bigyan ng kalakasan. Ang Kanyang mga salita ay nangangakong hinding-hindi ka Niya iiwan at hinding hindi ka Niya pababayan.Mananatili ka lamang sa Kanyang presinsya kahit sa pagtiis at kahirapan. At Siyay mismo na Makapangyarihang Panginoon ang iyong matibay na sandigan.Siya mismo ang sayo ay lalaban para sa iyong kapakanan at kaligtasan, mananalig ka lang. Maging ang buo mong angkan ay Kanyang bibiyayaan kung ikaw man ay mananatiling ng buong tapat sa Kanyang mga salita at katuruan.

Salita ng Panginoong Hesukristo man, tayo ay pinapangaralan na ditto sa mundo ay may marami at iba’t ibang paghihirap tayong mararanasan ngunit ang Siyang magtitiwala sa Kanyang kapangyarihan lahat ng hirap man ay mapagtagumpayan.

Ngunit huwag nawa nating kakalimutan na ang lahat ng tagumpay na ating inaasam-asam dito sa sanlibutan ay lahat panandalian. Ito ay kaloob lamang ng Diyos upang siya ay mapaglilingkuran. Maging ang buhay nating lahat ay hiram lamang na sa atin ay ipinakatiwala upang gagamitin sa anumang maka- Diyos na gawain. Ang ating buong pagmamahal at katapatan sa Diyos at sa ating kapwa ang tanging kailangan upang magawa ang Kanyang kalooban hanggang sa pagbabalik muli ng Panginoon Hesus sa araw ng katapusan.

Ang siyang nanatiling tapat na naglilingkod sa Diyos ay siya ring tatanggap ng tunay na tagumpay na ipinangako sa pangkalahatan. Kaligtasan ang kapalit sa lahat ng hirap at pagtitiis na pinagdadaan at doon sa Kanyang kaharian, maninirahan  ang bawat isa at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.Kaya huwag kang matatakot.

 

Isaiah 41:10-1

10 So do not fear, for I am with you;

    do not be dismayed, for I am your God.

I will strengthen you and help you;

    I will uphold you with my righteous right hand.

11“All who rage against you

    will surely be ashamed and disgraced;

those who oppose you

    will be as nothing and perish.

12Though you search for your enemies,

    you will not find them.

Those who wage war against you

    will be as nothing at all.

13For I am the Lord your God

    who takes hold of your right hand

and says to you, Do not fear;

    I will help you.

Kung mananalig ka lang sa nag-iisang Pangalan, na siyang Tagapagligtas ng Sanlibutan ay hawak mo palagi ang katiyakan kahit dadanas ka man ng mga kabiguan, dahil ang mga pangako ng Diyos ay mapagkatiwalaan.Mula noon,ngayon at magpakailanman ang pagmamahal ng Diyos ay di nagbabago ni kumukupas para sa ating kanyang mga minamahal na mga anak sa sanlibutan. 

"Sa ngalan ng ating pananampalataya kay Hesukristo, laging TAGUMPAY tayo."

Memory Verse: Jesus Christ said to his disciples...

33 Sinabi ko ito sa inyo upang sa inyong pakikipag-isa sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Magdaranas kayo ng kapighatian sa sanlibutang ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan!” Juan 16:33

 


Comments

Popular posts from this blog

DEVOTIONAL: SALVATION MEANING AND ITS IMPORTANCE

Salvation (also called deliverance or redemption) is the saving of human beings from sin and its consequences—which include death and separation from God—by Christ's death and resurrection, and everyone who accept this truth will be restored through faith and have eternal life. Note, that the word death here is not about a physical death but a spiritual death. So, this spiritual death and separation from God start from the time when humans disobeyed God which is written in the book of Genesis 3 ( please read the full chapter ) . Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God, Isaiah 59:2 But your iniquities have separated you from your God; your sins have hidden his face from you, so that he will not hear. And because God so love the world He made a way in which He sent his one and only son Jesus Christ to deliver and redeem us from being perished because of our transgressions and sin. John 3:16 , which says, "For God so loved the world that he g...

DEVOTIONAL: A TRUE CHRISTIAN FAMILY JOHN:13:1-17

EVIDENCE OF A TRUE CHRISTIAN FAMILY JOHN:13:1-17 ANCHOR VERSE John 13:12-14 12 When he had finished washing their feet, he put on his clothes and returned to his place. “Do you understand what I have done for you?” he asked them. 13 “You call me ‘Teacher’ and ‘Lord,’ and rightly so, for that is what I am. 14 Now that I, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also should wash one another’s feet.  TO WASH ONE ANOTHER’S FEET AS JESUS CHRIST COMMANDED TO HIS DISCPLES IS NOT WHAT WE   LITERALLY  THINK  BUT IT'S ALL ABOUT A SPIRITUAL CLEANSING . WHOEVER BELIEVES IN HIM ARE ALREADY CONSIDERED AS CLEAN AND ARE ALSO ENTRUSTED TO CLEAN THOSE UNCLEAN BY SHARING THE GOSPEL IN HIS NAME. ACROSTIC GUIDE: WASH W-WORD OF GOD   -The word of God has a divine cleansing power to purify us from uncleanliness through faith in Christ. -16 All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, 17 so that the servant ...

DEVOTIONAL: IMPORTANCE OF REPENTANCE

Repentance is important because it allows for forgiveness, spiritual growth, and a renewed relationship with our Heavenly Father. It is an act of turning away from sin and walk toward a path of a healthy spiritual life  which leads to freedom from guilt, healing, and a fresh start. It is often seen as a prerequisite for spiritual progress and salvation. It is also an  act of feeling remorse for all the past wrongdoing. Knowing also that in every mistake that we are going to commit in this present and in the future has a consequences(including the past). So it is called to repent and not to repeat. We have to choose wisely our path by changing our mindsets and behaviour by walking towards a better way of living   fixing our eyes to Jesus.   This involves acknowledging one's actions base not by human judgement but by what Christ Jesus teaching, and committing to a change in attitude and actions in the name of Christ Jesus. A key verse on repentance is 1 John 1...